Ikinagalak ng pamunuan ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang pagbanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na suporta para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Sa pahayag ni MinDA Chairperson Secretary Leo Tereso Magno, sinabi nito na ang pagbanggit ng Pangulo sa suporta nito lalo na sa paparating na kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections ay malaking bagay para sa Mindanao.
Ayon kay Magno na ang unang parliamentaryong halalan ay nagmamarka ng isa pang mahalagang milestone sa pagpapanatili ng kapayapaan, pagpapalakas ng mga institusyon.
Dagdag ng opisyal na kapag maging matagumpay ang nasabing eleksyon mas mapapabilis ang inklusibong pag-unlad sa rehiyon.