Suportado ng Department of Energy (DOE) ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na amyendahan na ang kasalukuyang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA law.
Sa isang statement sinabi ng kagawaran na napapanahon nang irebisa ang nasabing batas na naglalayon na magkaroon ng patas at makatarungang presyo ng kuryente sa merkado.
Dagdag pa ng energy department, na sang-ayon sila sa naging panawagan ng Pangulo at nararapat lamang na hindi dapat ipasa sa konsyumer ang ilang bayarin, na dapat mismong mga electric company ang nagbabayad gaya ng ‘systems loss’ sa bawat electric bill.
Sa huli naman muling tiniyakng kagawaran na patuloy nilang isusulong ang kapakanan at ang pagkakaroon ng patas at makatarungang pagbabayad sa singil ng kuryente sa buong bansa.