Isang Bikolanong designer ang nasa likod ng opisyal na token na ginamit sa 2026 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa RCB Crafts & Design, si Gerb Balaoro ang nag-disenyo ng opisyal na token habang ang kanilang kumpanya ang nagsilbing official token provider para sa SONA 2026.
Ibinahagi ng kumpanya na malaking hamon ang pagbuo ng libo-libong token sa loob ng wala pang isang buwan, lalo na nang madagdagan pa ang last-minute orders. Sa kabila nito, natapos at naihatid nila ang lahat ng order sa oras sa tulong ng dedikasyon at pagtutulungan ng kanilang buong team.
Nagpasalamat naman ang RCB Crafts & Design sa lahat ng naging bahagi ng proyekto at sinabing isang karangalan ang makapag-ambag sa isang mahalagang pambansang okasyon.
Samantala, nagpaabot din ng pagbati ang Department of Trade and Industry (DTI) Bicol sa RCB Crafts at kay Gerb Balaoro, at kinilala ang kanilang likha bilang isang makabuluhang ambag sa kasaysayan ng bansa.