Iginagalang ni Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng isyu sa umano’y anomalya sa mga flood control project at iginiit na hindi siya kailan man humingi ng espesyal na pagtrato.
Sinabi ni Romualdez, na bagama’t masakit para sa kanilang pamilya ang naging pahayag ng Pangulo, iginagalang niya ito at naniniwalang dapat manaig ang tamang proseso.
Kasunod ito ng inanunsiyo ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address, na magsasampa ang Ombudsman ng kaso laban kay Romualdez at iba pang mambabatas kaugnay sa flood control scandal.
Sang-ayon din aniya siya na gawin ang tama, sumunod sa proseso, at hayaan ang ebidensya ang magsalita.
Muling iginiit ni Romualdez na wala siyang nilabag na batas at handa niyang patunayan ang kanyang kawalang-sala sa pamamagitan ng due process.