Iniulat ng National Captial Region Police Office (NCRPO) na generally peaceful ang naging ikalimang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kahapon.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin, naging mapayapa sa pangkalahatan ang naging pagdaraos ng SONA ng Pangulong Marcos Jr.
Dagdag pa ni Aberin, na bagamat may mga naarestong mga indibidwal na umabot ng nasa 50 indibiwal, ito ay dahil sa paglabag ng ilan nating mga kababayan sa ilang ordinansa sa lungsod kabilang din ang pagsabog sa Maynila at natagpuang IED sa Diokno Boulevard sa Pasay City.
Wala naman naitalang ano mang untoward incident sa nasabing pagtitipon.