Bilang bahagi ng El Niño response ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), tuloy-tuloy na namamahagi ng tulong pinansyal ang ahensya sa mga magsasaka na nakararanas na ng epekto ng tagtuyot.
Kabilang sa pinakahuling nakinabang ang nasa halos 9,500 magsasaka sa Camarines Norte.
Sa ilalim ng UPLIFT Assistance o Emergency Cash Transfer para sa mga biktima ng kalamidad, tumanggap ang bawat benepisyaryo ng tig-₱10,500 cash assistance.
Layon nitong matulungan ang mga magsasaka sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan gayundin sa pagpapatuloy ng kanilang pagsasaka.

