Mahigpit na pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng opisyal at empleyado nito na bawal humingi o tumanggap ng regalo, pera, at iba pang pabor kaugnay ng kanilang tungkulin.
Ayon sa DILG, may mga natanggap itong ulat na ilang personnel ang umano’y gumagamit ng kanilang posisyon upang manghingi ng pera at iba pang benepisyo.
Binigyang-diin ng kagawaran na ang public office ay isang public trust kaya dapat manaig ang integridad at pananagutan sa serbisyo.
Paglabag ito sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Maaari ring lumabag ang sinumang tatanggap ng regalo sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na may kaukulang parusa.
Tiniyak ng DILG na patuloy nitong paiigtingin ang pagpapatupad ng katapatan at propesyonalismo sa lahat ng kawani ng kagawaran. | ulat ni Rey Ferrer