Umabot sa Php122.53 bilyon ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency mula Hulyo 2022 hanggang June 2026.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, bunga ito ng mahigit 155,000 anti-drug operations sa buong bansa.
Naaresto rin ang 206,516 drug personalities, kabilang ang 12,927 high-value targets.
Nabuwag din ang 13 clandestine drug laboratories at 1,917 drug dens.
Mahigit 16 metric tons ng shabu, cocaine, ecstasy tablets, at marijuana ang nakumpiska.
Sa Barangay Drug Clearing Program, idineklarang drug-cleared ang 4,809 barangays, 194 munisipalidad, at pitong lungsod.
Mahigit 91,000 Persons Who Use Drugs (PWUDs) naman ang nabigyan ng intervention at treatment services.
Ayon kay Nerez, resulta ang mga ito ng mas matibay na koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, intelligence sharing, at pakikipagtulungan sa international partners. | ulat ni Rey Ferrer