Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang anumang warrant of arrest na inilalabas ng Korte.
Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co kasunod ng pag-isyu ng Sandiganbayan ng warrants of arrest laban kina Uswag Ilonggo Party-list Rep. Jojo Ang at dating Sultan Kudarat 2nd District Representative Arnulfo Go.
Ayon sa Third Division ng Sandiganbayan, inisyu ang mga warrant matapos nitong makitang may probable cause laban sa mga akusado.
Matatandaang nahaharap si Ang sa 14 na bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay umano ng anomalya sa flood control project, habang kinasuhan naman sina Go at dalawang iba pa ng malversation of public funds. | ulat ni Diane Lear