uportado ni Iligan City Mayor Frederick Siao ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na agarang amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang hindi na ipasa sa mga konsyumer ang singil sa system loss sa kuryente.
Sa kaniyang SONA, iginiit ng Pangulo na hindi dapat ipinapasa sa mga konsyumer ang system loss at ang kaugnay na Value-Added Tax (VAT) dahil hindi naman nila kasalanan ang mga pagkalugi sa sistema ng kuryente.
Ayon kay Siao, mahalagang matiyak na makatarungan, malinaw at makatwiran ang bawat pisong binabayaran ng mga konsyumer sa kuryente.
Aniya, dapat ding suriing mabuti ng Kongreso kung nararapat pa bang ipasa sa mga konsyumer ang mga gastos na dulot ng mga kakulangan o pagkalugi sa sistema ng kuryente.
Sinabi rin ng alkalde na ang mga makabuluhang reporma sa sektor ng enerhiya ay makatutulong sa paghikayat ng mas maraming pamumuhunan, paglikha ng trabaho at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga mamamayan, lalo na sa mga lungsod gaya ng Iligan.
Dagdag pa ni Siao, nararapat na maging maaasahan, malinaw, abot-kaya at patas ang sistema ng suplay ng kuryente sa bansa.