Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang mga Regional Office nito sa buong bansa na paigtingin ang intelligence operations at pagpapatupad ng batas laban sa pagnanakaw ng langis.
Ito’y makaraang masabat sa ikinasang operasyon ng Pulisya ang iligal na “PAIHI” ng petrolyo na nagkakahalaga ng mahigit 16 na milyong piso sa sa Brgy. Silangang Mayao, Lucena City sa Quezon.
Ayon kay PNP Chief, Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, dapat palakasin ng lahat ng tanggapan ng Pulisya sa mga rehiyon sa buong bansa ang kanilang intelligence gathering.
Mahigpit ding pinababantayan ng PNP Chief sa mga Lokal na Pulisya ang mga bodega upang hindi maipuslit ang mga langis na gagamiting ebidensya sa kaso.
Kasunod niyan, pinapurihan ni Nartatez ang mga Pulis na sumabak sa operasyon habang mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag saPresidential Decree No. 1865 o Oil Pilferage Law, at Republic Act No. 11592 o LPG Industry Regulation Act.