Kinakailangan ang mas proactive na mga programa at aktibidad upang maiwasan ang karahasan at iba pang insidenteng maaaring maglagay sa panganib sa mga estudyante at paaralan.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., bahagi ng mandato ng PNP ang pagpapanatili ng peace and order at public safety kaya patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Pulisya sa Department of Education (DepEd) at mga paaralan para mapalakas ang school safety.
Sinabi ni Nartatez na kabilang sa mga hakbang ang mas pinaigting na police visibility, koordinasyon, at engagement sa mga stakeholder.
Samantala, sa halip aniya na maglagay ng police desks sa bawat paaralan, paiigtingin ng PNP ang koordinasyon upang mas maging maayos ang pagbibigay ng police assistance.
Tungkol naman sa panukalang blanket social media ban para sa mga bata, sinabi ni Nartatez na isa lamang ito sa maaaring hakbang, at ang pagpapanatili ng peace and order ay responsibilidad ng buong komunidad, hindi lamang ng pulisya. | ulat ni Diane Lear