Iginagalang ng Manila Electric Company (MERALCO) ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na amiyendahan ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 na mas kilala bilang EPIRA.
Ipinaliwanag ni MERALCO Executive Vice President at Chief Operating Officer na si Engr. Ronni Aperocho, katunayan ay handa silang lumahok sa anumang talakayan para sa nasabing hakbang.
Pero paliwanag ni Aperocho, bahagi na ng operational aspect ang systems loss sa paghahatid ng kuryente at mayroon na silang inisyatiba tungkol dito.
Katulad ng ERC, handa rin silang makipagtulungan sa pamahalaan, mga mambabatas, regulators, at iba pang industry stakeholders para sa reporma sa paniningil ng kuryente.