Mga itatanim na kawayan sa Maynila , madadagdagan pa – Mayor Moreno
Madaragdagan pa ang mga kawayan na itatanim sa iba’t-ibang bahagi ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, minimum lamang ang 100,000 na bamboo trees na target maitanim sa lungsod at madadagdagan pa.
Layun nito na magkaroon ng mas magandang air quality , malamig na klima na mala probinsya at makatulong sa pagsisip ng tubig baha Maynila.
Pagtitiyak ng alkalde, pinag aralan maigi ang proyekto at sa katunayan unang tinaniman ang kawayan ang harap ng Bayview hotel Ermita maynila para subukan kung mabubuhay ang mga kawayan. | ulat ni DK Zarate