Natuloy na kaninang alas diyes ng umaga ang pagtalakay ng Senate Impeachment Court sa Article 1 ng articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte o ang alegasyon tungkol sa iregular na paggasta ng confidential funds.
Sa panayam ngayong araw, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na nakakuha sila kahapon ng sulat mula sa defense team ni VP Sara at hindi sila pumapayag sa manifestation ng prosecution na baguhin ang ayos ng paglilitis.
Una na kasing nagsumite ang prosekusyon ng manifestion na nagmumungkahing gawing article-by-article ang ayos ng paglilitis, kung saan matapos ipresenta ng prosekusyon ang kanilang mga testigo at ebidensya para sa isang artikulo ay susundan agad ito ng presentasyon ng depensa para sa parehong artikulo, imbes na patapusin muna ang presentasyon ng prosekusyon sa lahat ng articles of impeachment.
Ayon kay Gatchalian, sa pagtutol ng depensa, pinunto nilang napagkasunduan na sa pre trial conference ang ayos ng paglilitis at nais nilang magkaroon ng sapat na oras para makapaghansa sa kanilang presentasyon.
Sinabi ng senate president na para patas, dapat parehong payag ang prosekusyon ay depensa kung may babaguhin sa takbo ng paglilitis. | ulat ni Nimfa Asuncion