Nakatutok ngayon ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa pagpapabuti ng edukasyon sa bansa.
Kasama na rito ayon kay Education Sec. Sonny Angara ang basic education, kapakanan ng mga guro, pagpapatayo ng mga silid-aralan, kaligtasan ng mga mag-aaral, at iba pa.
Pagtitiyak ni Angara, seryosong tinutupad ng kagawaran ang marching orders ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA mula sa pangangalaga sa mga guro hanggang sa pagpapalakas ng kahandaan sa trabaho ng Senior High School graduates.
Patuloy na nakikipag tulungan ang Kagawaran sa Department of Budget and Management (DBM) upang makakuha ng panukalang 12 bilyong pisong pond para sa patuloy na pagpapatupad ng Expanded Career Progresson sa Fiscal Year 2027.
Bukod naman sa mga pangunahing tagumpay na nabanggit sa SONA, sinabi ni Angara na pinapatupad din ng DepEd ang Strengthened Senior High School Program para sa School Year 2026–2027.
Nabatid sa kanyang ika-5 SONA, iginiit ng Pangulo na edukasyon pa rin ang siyang pangunahing nagtataguyod ng kakayahan, kung kaya ito ang nangunguna sa listahan ng administrasyon. | ulat ni Jaymark Dagala