Katuwang ang Migrant Workers Office – Muscat, natulungan ng Philippine Embassy in the Sultanste of Oman ang tatlong marino na makauwi sa Pilipinas na sakay ng MV Wedyan, isa sa barkong naipit sa Strait of Hormuz.
Ayon sa Department of Foreign Affairs mula sa 15 na pilipinong marino ng sakay ng barko, ang tatlo ay ninais na umuwi sa Pilipinas kaya agad silang binigyan ng tulong ng embahaha sa migrant workers office.
Nakatanggap naman ang mga ito ng welfare asssistance at inasistehan din hanggang Muscat International Airport para sa kanilang byahe pa-Maynila.
Sa iba pa namang marino na kasama sa naipit sa barko, tiniyak ng embahada na lahat sila ay ligtas at di nasaktan. Nakikipag-ugnayan din ang embahada sa kanilang mga manning agency, ship management, at iba pa upang tiyakin ang maayos nilang kalagayan.
Lubos namang nagpapasalamat ang embahada sa gobyerno ng Sultanate of Oman at sa mga otoridad sa patulong na suporta at tulong sa mga Pilipino. | ulat ni Louisa Erispe