Mariing tinanggihan ni Senador Ping Lacson ang umano’y alok na “ceasefire” matapos niyang ilantad ang mga sinasabing anomalya sa mga infrastructure projects sa taguig city, na kilalang balwarte nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
Pinahayag ito ng senador sa isang post sa kanyang X account.
Hindi naman sinabi ni Lacson kung sino ang humihiling ng ceasefire.
Sa press statement mula sa tanggapan ng senador, tinukoy na ang tila alok na tigil-alitan ay dumating matapos ilantad ni Lacson ang tinawag niyang ‘damning evidence’ ng double billing at iba pang iregularidad kaugnay ng slope protection at iba pang mga proyekto sa Taguig City.
Sinabi rin ni Senator Ping na matapos maipasa ng kanyang team ang mga ebidensya sa Ombudsman at handa siyang ilahad ang iba pang detalye ng mga anomalya sa pagdinig ng senate blue ribbon committee tungkol sa flood control projects.
Una nang giniiit ni Cayetano na walang ghost projects sa Taguig City.
samantala, sa isang facebook live, itinanggi ni Cayetano na humihiling siya ng ‘ceasefire’ mula kay Lacson at sinabing nagmula sa ilang kapwa senador ang naturang termino.
ayon kay Cayetano, may mga senador na nagpahayag ng pangamba na ang kanilang bangayan ay maaaring makasira sa imahe ng senado, malihin ang atensyon sa mas mahahalagang isyu at makaapekto sa mga ordinaryong pilipino.
mas nais aniya ng minnority leader na pagtuunann ng pannsin ang mga isyu tulad ng mataas na presyo ng kuryente, langis, online gaming at vape kaysa sa personal na bangayan. | ulat ni Nimfa Asuncion