Iginagalang ng Administrasyong Marcos Jr. ang naging pasya ng Sandiganbayan na pahintulutang makapaglagak ng piyansa si dating Senador Bong Revilla.
Ito ang reaksyon ng Palasyo matapos maglabas ng desisyon ang anti- graft court na payagang makapag- bail para sa kaniyang pansamantalang paglaya ang dating mambabatas.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nasa hurisdiksiyo na rin ng prosecutors kung ano ang mga nararapat at tamang aksyon o remedyong kailangang gawin kaugnay ng ibinabang resolusyon ng anti-graft court.
Ayon kay Castro, dapat lamang na laging manaig ang batas gayudin ang proseso.
Isang milyong piso ang inilagak na piyansa ni Revilla para sa kanyang pansamantalang kalayaan. | ulat ni Alvin Baltazar