Iginiit ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez na pantay na hustisya lamang ang kanyang hinihingi kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.
Sa isang maikling pahayag, kinuwestiyon ni Romualdez ang paggamit umano ng Ombudsman sa mga testigong binalewala na ng mismong tanggapan nito at ng Department of Justice.
Bukod pa sa nahaharap rin ang mga ito sa kasong cyberlibel at perjury.
Paano aniyang magiging patas ang isang imbestigasyon kung gagamitin pa rin ang mga naturang testigo laban sa kanya.
Sa kabila nito, sinabi ni Romualdez na hindi siya uurong at hindi rin siya matitinag sa kinahaharap na kaso.