Inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na gagawin ng gobyerno ang kailangang hakbang kasunod ng naunsiyaming pagpapatupad ng 85 peso wage increase sa mha manggagawa dito sa NCR
Sa video na inilabas ni Usec. Castro, sinabi nitong ilalaban ng pamahalaan kung ano ang para sa mga obrero subalit handa din aniya nilang pakinggan ang hanay ng mga negosyante.
Mas maganda ani Castro na pairalin ang balanseng pagtingin upang maiwasan ang mas malalim pang problema o suluranin.
Sa ganitong paraan ay makakamit ang tinatawag na win- win solution sa hanay kapwa ng mga manggagawa at employer. | ulat ni Alvin Baltazar