Photo courtesy of Department of Labor and Employment (DOLE)
“Wala nang bawian,” ito ang tugon ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga employer na nakapagbigay na ng ₱60 wage increase sa Metro Manila.
Nitong July 25 sana ipapatupad ang wage increase na ₱60, ngunit ito ay naudlot matapos maglabas ng ‘status quo ante order’ ang Korte sa Pasig City.
Ayon kay Labor and Employment Secretary Francis Tolentino, bago pa lumabas ang order ng korte ay nakapaghanda na at nakapagdagdag na ng ₱60 ang ilang employer para sa arawang sahod ng mga manggagawa, lalo na doon sa mga hindi pa nakakaalam.
Hindi na aniya ito maaaring bawiin at inaasahang papasok sa payroll ng ilang manggagawa.
Hindi rin pwedeng ikaltas sa susunod na pasahod ang naunang ibinigay na ₱60 na dagdag sa arawang-sahod.
Samantala, kinumpirma ni Tolentino na hindi isa kundi dalawang korte ang naglabas ng kautusan kaugnay sa pagpapahinto muna ng nasabing wage increase, pero ito ay hindi pa nila natatanggap ang kopya.
Dahil dito tiniyak ng kalihim sa susunod sila sa utos ng korte.
Kasabay ng pag-usad ng pagdinig sa ₱85 wage increase sa NCR, iginiit ng DOLE na maninindigan sila sa kanilang naging desisyon at ipaglalaban ang karapatan ng manggagawa at employer, kung saan kakatawanin sila ng Office of the Solicitor General.