Nagtipon – tipon ang ilang mga health workers ng University of Santo Tomas sa Sampaloc Maynila bilang protesta sa pagpigil sa P85 wage increase sa National Capital Region o NCR.
Nagsagawa sila ng flash mob at noise barrage bilang pag papakita ng pagkadismaya sa inilabas na Temporary Restraining Order o TRO ng Pasig Regional Trial Court Branch 152 na pumipigil sa pagpapatupad ng nasabing umento sa sahod.
Sinabi ni Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando na labag sa batas at iligal ang inilabas na Temporary Restraining Order.
Nanghihinayang naman ang ilang manggagawa dahil umasa na at nakwenta na ang kanilang dagdag sahod pero ito ay naudlot pa. | ulat ni DK Zarate