Binigyang-linaw ng Department of Justice (DOJ) kung bakit magkakahiwalay na Regional Trial Courts (RTC) ang humahawak sa mga kasong isinampa laban sa 18 na tinaguriang “maleta boys” at kanilang abogadong si Atty. Levito Baligod.
Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, nakabatay ang paghahain ng kaso depende sa sitwasyon.
Aniya, ang paghahain ng kaso at pagtukoy sa hurisdiksyon ng korte ay nakabatay sa lugar kung saan naganap ang elemento ng krimen, kung saan matatagpuan ang ginamit na computer system, at kung saan naganap ang pinsala.
Nilinaw ni Usec. Dato na hindi totoo ang alegasyon na pinahihirapan nila ang mga respondent kundi mahigpit lang sinusunod ng National Prosecution Service ang rules of procedure.
Nauna nang kinuwestiyon ng abogadong si Levito Baligod ang pagsampa ng anim na bilang ng cyber libel at apat na bilang ng perjury sa mga korte sa Caloocan, Las Piñas, Muntinlupa, at San Juan.