Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) kung may kaugnayan ba sa mga bomb maker sa Mindanao ang dalawang improvised explosive device (IED) na nakuha sa Senado at Department of Justice (DOJ) kasabay ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., noong Lunes.
Ito’y ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ay dahil sa tinitingnan nila ngayon ay ang signature o ang mga sangkap na ginamit sa paggawa ng bomba na tila kapareho aniya sa mga narekober nila sa Mindanao
Sa pagtatapos ng IED Threat and Security Symposium sa Boracay Island sa Aklan, binigyang diin ni Nartatez na dito pumapasok ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat ahensya at lokal na pamahalaan.
Pinalawak din ng PNP ang programa nito para harapin ang mga banta ng IED, upang maisama ang mas maraming police investigator at mga nakatalaga sa bomb disposal at K-9 units hanggang sa lebel ng provincial at regional office.