Photo courtesy of House of Representatives
Pinasalamatan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang taumbayan matapos magtala ng 80 porsiyentong trust rating ang mga kinatawan ng bawat distrito sa pinakabagong survey ng National Momentum Survey.
Ayon kay Speaker Dy, magsisilbi itong inspirasyon sa mga mambabatas upang lalong pagbutihin ang kanilang paglilingkod at suklian ang tiwala ng publiko.
Bagamat mataas ang nakuhang marka, inamin ng pinuno ng Kamara na marami pa ring pagkukulang ang mga mambabatas na kailangang matugunan.
Ito rin ang pangunahing dahilan sa paglulunsad ng programang “LegisHear: Bawat Batas Mahalaga.” Naniniwala si Dy na sa pamamagitan ng LegisHear, mas madaling maririnig ng Kamara ang tunay na sentimyento ng mamamayan para sa pagbuo ng mas makabuluhang mga panukalang batas.