Nagbigay ng ultimatum ang Department of Transportation (DOTr) sa Villar Group para bilisan ang pagbibigay nito ng anim na parcel ng lupain.
Ito’y upang dito maitayo ang Las Piñas station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na bahagi ng Phase 2 ng Cavite Extension Project.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, ilalatag nila sa Villar Group ang ilang kondisyon gaya ng unconditional permit to enter.
Gayundin na ang lupain ay magiging bahagi ng Deed of Donation na ang ibig sabihin ay walang pananagutan dito ang Pamahalaan at hindi ito puwedeng kanselahin.
Sinabi ni Lopez, na isa lang ang maaaring gawin ng Villar Group, “take it or leave it” na ang ibig sabihin ay dapat nang ibigay ang nasabing lupain upang hindi mabalam ang interes ng mga pasahero.