Inanunsiyo ngayon ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na magbibigay ito ng libreng sakay sa lahat ng pasaherong may National ID, tuwing Miyerkules sa buong buwan ng Agosto.
Ito ay bilang pakikiisa sa paggunita ng paglagda ng Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act.
Sa abiso ng MRT3, isasagawa ang libreng sakay sa August 5, 12, 19, at 26, mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Magkakaroon din ng libreng sakay sa September 16, 2026 bilang pagdiriwang ng Global Identity Day.
Kinakailangan lamang magpakita ng National ID (physical ID, Digital ID, o ePhilID na naka-paper format).
Una na ring nakipagtulungan ang PSA sa MRT para sa National ID Registration sa ilang istasyon ng DOTr-MRT-3, partikular sa Araneta-Cubao Station at Taft Avenue Station.