Tumanggap ng kabuuang ₱120.2 million na tulong pinansyal sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program (BBMP) ang 601 barangay sa Negros Occidental.
Ang bawat barangay ng lalawigan ay pinagkalooban ng tig ₱200,000 kung saan ang ₱100,000 ay para sa limang natukoy na Bagong Pilipinas Barangay Scholars Program na tatanggap ng tig ₱20,000.
Ang natitirang ₱100,000 ay gagamitin naman sa mga proyektong napiling ipatupad ng bawat barangay.
Isang ceremonial distribution ang isinagawa sa Panaad Park and Stadium, na pinangunahan ni Cabinet Secretary Benjamin Abalos Jr. kasama si Negros Occidental Governor Bong Lacson at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Governor Lacson si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtulong sa lahat ng komunidad sa bansa.
Tiniyak naman ni Cabinet Secretary Abalos, na magpapatuloy ang pagsusuporta ng pamahalaan sa mga programang magbibigay ginhawa sa buhay ng bawat Pilipino.