Patuloy pa ring nananatili sa mga evacuation center ang ilang pamilyang naapektuhan ng pinalakas na southwest monsoon (habagat) at Bagyong Kiyapo.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang kagabi, nasa 1,104 pamilya, o katumbas ng 4,642 indibidwal, pa ang nanunuluyan sa 20 evacuation center.
Samantala, nasa 793 pamilya, o 3,887 indibidwal, ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Kabilang sa mga apektado ang mga pamilyang nawalan o nasiraan ng tirahan dahil sa pananalasa ng sama ng panahon.
Batay sa ulat ng DSWD, 258 bahay ang tuluyang nawasak, habang 481 bahay naman ang bahagyang napinsala. Sa kabuuan, umabot sa 108,607 pamilya, o 461,241 indibidwal, mula sa 11 rehiyon sa bansa ang naiulat na naapektuhan ng kalamidad.