Nakatakdang dinggin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board bukas, August 3, ang mga nakabinbing petisyon para sa taas-pasahe ng mga pampublikong sasakyan.
Pangungunahan ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza II ang pagdinig kasama ang mga kinatawan ng pitong transport groups.
Ayon kay Mendoza, muling rerepasuhin at kakalkulahin ang hinihinging fare increase alinsunod sa direktiba ng Department of Transportation.
Sasaklawin ng pagdinig ang mga petisyon ng jeepney, UV Express, taxi at motorcycle taxi operators. Kabilang dito ang PISTON, Manibela at ilang UV Express transport cooperatives.
Tatanggapin din ng LTFRB ang mga komento, ebidensya at posisyon ng iba pang stakeholder bago magpasya sa mga nakabinbing hirit na taas-pasahe.