Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na magkakaroon ng libreng sakay ang mga may hawak ng National ID sa MRT-3 at LRT-2 sa piling araw ngayong August.
Katuwang ang Department of Transportation (DOTr), maaaring makasakay nang libre ang National ID holders tuwing Agosto 5, 12, 19 at 26, 2026.
Isasagawa ito tuwing Miyerkules mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.
Kailangan lamang ipakita ang National ID, maging card, paper o digital copy, upang ma-avail ang libreng sakay.
Samantala, hinihikayat naman ang mga hindi pa rehistrado sa National ID na magtungo sa mga itinalagang mobile registration sites sa ilang istasyon ng MRT-3 at LRT-2. Matatagpuan ang mga registration site sa MRT-3 Shaw Boulevard, Cubao, Ayala at Taft Avenue Stations, gayundin sa LRT-2 Antipolo at Recto Stations sa buong buwan ng Agosto.