Agad naghatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng 15-anyos na mag-aaral na nasawi sa insidente ng pananaksak sa Las Piñas National High School.
Nagtungo ang mga opisyal ng DSWD Field Office NCR para makiramay sa naulilang pamilya ng biktima at magbigay ng psychosocial intervention.
Naghatid din ang mga ito ng paunang suportang pinansyal na ₱20,000 bilang food subsidy at cash relief kasama ng dalawang kahon ng DSWD family food packs (FFPs).
Kaugnay nito, muling iginiit ng DSWD na walang puwang ang anumang anyo ng karahasan sa mga bata.
Patuloy rin umano silang makikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno para maprotektahan ang mga kabataan.
📸 DSWD
