Nasabat ng mga tauhan ng Poice Regional Office 6 (Western Visayas) ang mahigit ₱3.6 na milyong pisong halaga ng mga kagamitan sa iliga na pangingisda.
Ito’y sa sa 13 anti-illegal fishing operations na isinagawa mula August 1 hanggang August 2 na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasa 18 indibidwal.
Sa kaniyang ulat sa Kampo Crame, sinabi ni Police Regional Office 6 Director, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño na naging matagumpay ang ikinasa nilang operasyon bunsod na rin ng pakikipag-ugnayan nito sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan
Bahagi ito aniya ng kanilang hakbang upang protektahan ang coastal at marine resources ng rehiyon at ipatupad din aniya ang mga naaangkop na batas pangkalikasan.
Layon din nito ani Tuaño na pangalagaan ang kabuhayan ng mga lehitimong mangingisda na labis na naapektuhan ng pandaraya ng iba.
Kaya naman nanawagan ang opisyal sa publiko lalo na iyong mga nakatira sa tabing-dagat na i-ulat agad sa kanila ang anumang mga iligal na pangingisda sa kanilang lugar.


