Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na mas mapapalakas ang sektor ng electric vehicle manufacturing sa bansa kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Executive Order No. 121.
Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng bansa dahil inaasahang bubuhos ang pamumuhunan mula sa iba’t ibang bansa na nais mamuhunan sa naturang sektor.
Dagdag pa ni Roque, nakapaloob sa naturang Executive Order ang pagbibigay ng mga insentibo para sa mga Philippine-made electric vehicle (EV) sa bansa.
Sa huli, sinabi ng kagawaran na suportado nito ang programa ng Marcos administration na magkaroon ng abot-kayang electric vehicle para sa mga Pilipino.