Nagpalabas na ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) kina Batangas Rep. Leandro Leviste at dating kongresista Jing Paras kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y planong paninira laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nilagdaan ang subpoena noong Biyernes, ngunit ipadadala lamang ito ngayong Lunes dahil sarado na ang opisina nang mapirmahan ito.
Inaasahan umano ng ahensya na haharap ang dalawang personalidad sa itinakdang pagdinig sa Huwebes.
Sinabi ni Matibag na layunin ng subpoena na mabigyan sina Leviste at Paras ng pagkakataong sagutin ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanila bilang bahagi ng due process.