Photo courtesy of MANILA WATER
Inihahanda na ng Manila Water ang Backwash Recovery System upang madagdagan ang suplay ng tubig sa gitna ng hamon dulot ng mababang antas ng tubig sa Angat Dam.
Sa programang ito, mare-recover ang hanggang 46 milyong litro ng tubig kada araw mula sa kanilang mga water treatment plant, na maaaring makatulong sa suplay para sa mahigit 200,000 customer.
Sa halip na itapon, nililinis at ibinabalik ang tubig na ginagamit sa paglilinis ng mga filter upang muli itong magamit sa proseso ng water treatment.
Ayon kay Manila Water Corporate Communications Group Head Dittie Galang, bahagi ito ng kanilang mga hakbang upang mapalakas ang suplay ng tubig at matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa kanilang mga customer.