Hinimok ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ituring ang 2016 Arbitral Award pabor sa Pilipinas, hindi bilang solong panalo, kundi pakikibaka para sa kapakinabangan ng rehiyon.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa kaniyang pagdalo sa 37th United States Pacific Command (USPACOM) International Military Law and Operations Security Engagement (MILPOS) Conference sa Kuala Lumpur sa Malaysia.
Ito ang taunag pagtitipon ng mga Defese Official, Military Leaders, at Regional stakeholders kabilang na ang Secretary-General ng ASEAN.
Dito, binigyang-diin ni Teodoro na ang geographic position ng Pilipinas ay nagbubukas sa ASEAN para sa istratehikong ugnayan sa Pasipiko kayat mahalaga ang territorial integrity at maritime entitlements maging sa mga bansang kasapi nito.
Sinabi pa ng kalihim na tanging ang Pilipinas ang nakapuwesto sa pagitan ng South China Sea at Karagatang Pasipiko kaya’t ito aniya ang nag-uugnay sa ASEAN at Amerika.
📸 Patrick de Jesus, PTV