Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission (ERC) na mayroong ₱8.71 billion under-recoveries o dapat singilin sa mga customer ang Manila Electric Company (MERLACO).
Ito’y para sa mga hindi nabawing gastusin ng naturang power distributor gaya ng sa Generation, Transmission, Systems loss, at Real Property Tax.
Gayunman, sinabi ng ERC na ang under-recoveries ng MERALCO ay mas mababa kumpara sa ₱30.14 million na over-recoveries o mga nasingil na nito sa kanilang mga customer na dapat nitong isauli o i-refund.
Kabilang sa mga sobrang nasingil ng MERALCO sa kanilang mga customer ay ang lifeline subsidy, senior citizen discount, at local franchise tax sa loob ng isa hanggang 36 na buwan.
Ayon kay ERC Chair, Atty. Francis Saturnino Juan, dapat tiyakin ng MERALCO na walang labis o kulang sa bayarin ng publiko at ito’y para lamang maibayad sa mga power generator, grid operator, at sa buwis na ipinapataw ng pamahalaan.