Dahil sa mga pag-ulan nitong nakalipas na araw, bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa update ng PAGASA Hydro-Meteorology Division, umangat sa 156.61 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam ngayong umaga mula sa 155.41 meters, kahapon.
Sa kabila nito, mas mababa pa rin ito sa 160-meter critical water level threshold gayundin sa 180 meters above sea level na minimum operating water level ng Angat Dam.
Bukod naman sa Angat dam, bahagya ring tumaas ang lebel ng tubig sa La Mesa dam, Ambuklao dam, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dam.