Pinaigting ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Pangasinan ang water level monitoring sa mga ilog at coastal areas ng bayan bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng patuloy na pag-ulan.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni LDRRMC Chairman at Mayor Virgilio Vallarta, nagsasagawa ng tuloy-tuloy na pagmamanman ang MDRRMO Infanta Response Team upang masubaybayan ang antas ng tubig sa mga pangunahing daluyan at agad na makapagbigay ng babala kung kinakailangan.
Ayon sa tanggapan, layunin ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga residente, partikular ng mga naninirahan sa mga lugar na madaling bahain at mabababang lugar.
Kasabay nito, muling nanawagan ang MDRRMO sa publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na advisory ng Pamahalaang Lokal. Pinayuhan din ang mga residente na umiwas sa paglapit at pagtawid sa mga ilog habang nagpapatuloy ang pag-ulan upang maiwasan ang anumang insidente.
📷 Infanta, Pangasinan MDRRMO