Umabot na sa 92,475 public utility jeepney (PUJ) ang nabigyan ng ₱10 fuel subsidy program ng Department of Energy (DOE).
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang nasabing bilang ang pinakahuling naitala mula noong nakalipas na buwan.
Dagdag pa ni Abad, patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga benepisyaryo dahil parami nang parami ang mga gasoline station na lumalahok sa nasabing programa.
Muli namang tiniyak ng DOE na magpapatuloy ang subsidiya hangga’t nananatiling mataas at pabagu-bago ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.