Photo courtesy of Senate of the Philippines
Tahasang tinawag ni veteran lawyer at House Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan na isang “scam laban sa taong-bayan” ang umano’y maling paggamit at kawalan ng maayos na liquidation sa ₱612 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Kapunan ang pahayag sa isang media interview sa gitna ng paglilitis sa Senate Impeachment Court, kasunod ng serye ng mga pormal na pagbubunyag ng Commission on Audit (COA) hinggil sa mga iregularidad sa pondo.
Ang ₱612 milyong pondo ay binubuo ng ₱500 milyon na inilaan sa OVP at ₱112.5 milyon na natanggap ng DepEd noong si VP Sara ang kalihim.
Upang mas madaling maunawaan ng publiko, inihalintulad ni Kapunan ang sitwasyon sa isang anak na humihingi ng pera sa magulang para sa paaralan ngunit sa ibang bagay ginagastos
Nilinaw ng abogada na ang pangunahing usapin ay hindi lamang ang mga alyas o pangalang lumabas sa mga acknowledgment receipt, kundi ang kawalan ng katibayan na tunay na napunta sa pampublikong layunin ang pondo.
Samantala tinanggihan din ni Kapunan ang mga argumento ng kampo ng Bise Presidente na pino-personal o “pina-pinpoint” lamang si Duterte habang may ibang ahensya ring may confidential funds.
Sagot ni Kapunan ng kaso ngayon ay tungkol sa Vice President at sa DepEd secretary at tungkol sa confidential funds niya. Kung meron man anyang gustong public official na imbestigahan ang confidential funds, pinayuhan niya na file-an ng kaso.