Photo courtesy of Philippine Ports Authority
Mabilis na kumilos ang Port Management Office (PMO) Negros Occidental/Bacolod/Banago/Bredco kasama ang port stakeholder para mailigtas ang isang matandang lalaki na tumalon sa dagat malapit sa rampa ng FastCat sa Banago Port, Bacolod City.
Unang rumesponde ang security guards, porter, at mga empleyado ng Negros Coastwise Terminals, Inc. (NCTI) matapos mapansin ang insidente.
Gumamit ng maliit na balsa at lubid para masagip ang lalaki at matagumpay na naihaon ang lalaki sa tubig.
Binigyan siya ng first aid ng mga port personnel at itinurn-over sa mga opisyal ng Barangay Banago para sa kaukulang koordinasyon sa kanyang pamilya at paglalaan ng nararapat na tulong.