Bilang bahagi ng taxpayer-centric approach, patuloy na pinalalakas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang digitalization efforts nito upang mapadali at mapabilis ang proseso para sa mga taxpayer.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, kabilang sa mga digital initiative ng ahensya ang integration ng Digital Taxpayer Identification Numbers o Digital TINs sa eGov PH Super App.
Mula April, halos 400,000 Digital TINs na umano ang na-generate sa eGov PH.
Tinukoy din ni Mendoza ang Digital Interactive Tax Calendar, isang tool na tumutulong sa mga taxpayer at tax practitioner na mas madaling masubaybayan ang kanilang tax return filing at tax payment deadlines.
Patuloy rin ang rollout ng BIR Taxpayer Portal, isang secure digital platform na kasalukuyang ginagamit ng mga miyembro ng Large Taxpayers Service o LTS upang makita ang kanilang registration details, masubaybayan ang payments, at ma-monitor ang mga naisumiteng tax returns.
Sa ngayon, halos 3,000 large taxpayers na ang naka-onboard sa portal.
Kasama rin sa digitalization efforts ng BIR ang paggamit ng Digital Registration Seal Badge para sa online businesses, sellers, at digital creators.
Samantala, maaari na ring isumite online sa pamamagitan ng eBIRForms ang BIR Form No. 1701-MS, isang simplified annual income tax return para sa micro at small individual taxpayers.
Ayon kay Mendoza, bahagi ang mga hakbang na ito ng patuloy na pagsisikap ng BIR na gawing mas mabilis at accessible ang mga serbisyo nito para sa mga taxpayer.