Photo courtesy of Philippine News Agency (PNA)
Hinikayat ng grupong Team Pinas ang mga Kabataan na patuloy na pag-alabin ang kanilang paninindigan para sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Ito’y sa gitna na rin ng mapangahas, mapang-udyok at agresibong hakbang gayundin ng mga mapanirang pahayag at binaliktad na naratibo ng China sa usapin ng West Philippine Sea.
Sa isinagawang GenZennial Tour sa Mandaluyong City kahapon, sinabi ni Dr. Sherwin Ona na malaki ang mai-aambag ng kabataang Pilipino sa pagtindig sa kung ano ang sa Pilipinas.
Dagdag pa niya, sa kabila ng impluwensya ng makabagong teknolohiya, kanilang ikinatutuwa na may mga Kabataang masidhi pa rin ang pakikipaglaban para sa bansa.
Sa kaniyang pagdalo naman sa 2026 International Military and Operations Strategic Engagement (MILOPS) sa Kuala Lumpur sa Malaysia, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi kailan man maaaring maging zone of neutrality ang 2016 Arbitral Award pabor sa Plipinas.
Una nang iginiit ng Kalihim ang kahalagahan ng lokasyon ng Plipinas para mapag-ugnay ang mga bansa sa ASEAN at mga bansa sa Pasipiko.