Umabot na sa mahigit 70,000 katao ang naapektuhan ng El Niño sa mga rehiyon ng MIMAROPA at Region 5.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development–Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DSWD-DROMIC), hanggang 6:00 AM nitong August 4, nasa 23 barangay ang apektado, na katumbas ng 17,189 pamilya o 70,772 indibidwal.
Nakapaghatid na ang DSWD ng mahigit ₱8.5 milyon halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong komunidad.
Samantala, mayroon pang mahigit ₱6.1 bilyong halaga ng relief resources ang ahensya, kabilang ang quick response fund at mga food at non-food items.
Patuloy ang monitoring at pagbibigay ng tulong ng DSWD sa mga lugar na nakararanas ng epekto ng matinding tagtuyot.