Epektibo na sa October 26 ang bagong dagdag-sahod na aabot hanggang ₱45 kada araw para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa CALABARZON, alinsunod sa Wage Order No. IVA-23 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB IV-A).
Batay sa bagong wage order, makatatanggap ng ₱45 na dagdag-sahod ang mga manggagawa sa non-agriculture sector sa mga component city at sakop na lugar ng Extended Metropolitan Area.
₱45 rin ang dagdag para sa non-agriculture workers sa Rosario, Cavite, habang ₱40 naman sa iba pang first-class municipalities. Samantala, ₱25 ang dagdag para sa agricultural workers sa mga nasabing lugar.
Sa second hanggang fifth-class municipalities, ₱25 ang magiging dagdag para sa non-agriculture workers at ₱42 naman para sa agricultural workers.
Makikinabang din sa ₱42 na dagdag-sahod ang mga retail at service establishment na may 10 o mas kaunting empleyado.
Ayon sa RTWPB IV-A layunin ng bagong wage order na madagdagan ang kita ng mga minimum wage earner, habang isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga manggagawa at kakayahan ng mga negosyo sa rehiyon.
Sinabi naman ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino, patuloy na susubaybayan ng DOLE Regional Office 4A ang mga establisimyento upang matiyak ang pagsunod sa bagong wage order.


