Hindi na alintana ng mga Pilipino kung anong maaaring energy source ang magamit gayung ang mahalaga ay ang sila’y makatipid.
Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang bisitahin ang Singapore Nuclear Research and Safety Institute sa gitna ng ikinukunsiderang paggamit ng nuclear energy ng bansa.
Ayon sa Pangulo, may survey ng isinasagawa sa posibleng paglipat sa paggamit ng enerhiyang nukleyar at kasama sa isinaalang- alang sa survey ang aspeto ng kaligtasan o safety.
Lumalabas ayon sa Pangulo na ang mahalaga sa mayorya ay kung saan maaaring makakuha ang gobyerno ng murang mapagkukunan ng kuryente.