Photo courtesy of Philippine Information Agency (PIA)
Tumanggap ng tig-lilimang kilo ng bigas ang 314 pamilya sa Barangay Ricarte, Batac City sa ilalim ng LGSF-FALGU at AIIF-FA Rice Distribution Project noong Hulyo 29.
Ayon kay Barangay Captain Cheskanadia Cali, malaking tulong ang ayuda upang mabawasan ang gastusin ng mga pamilyang apektado ng mataas na presyo ng bilihin at ng mga nagdaang kalamidad.
Isinagawa rin ng barangay ang house-to-house validation upang matiyak na mapupunta ang tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Nagpasalamat si Cali kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan.
Samantala, sinabi ng benepisyaryong si Ruzzle Kaira Gapas na malaking ginhawa ang natanggap na bigas dahil makatutulong ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at makababawas sa gastusin ng pamilya.
Bahagi ang programa ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang food security at makapagbigay ng agarang ayuda sa mga mahihinang sektor.